Hindi kinatatakutan ng House Prosecution Team ang pagtestigo sa impeachment trial ni Colonel Raymund Dante Lachica.
Siya ang military official na sinasabing pinag-release-san ng daang milyong pisong halaga ng confidential funds ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte at nakakaalam sa confidential operations na pinaggamitan ng pondo.






















