Inirerekomenda ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa isinagawang Metro Manila Council meeting kahapon ang pagtatayo ng mas malaking sewage treatment plant sa bahagi ng Manila Bay upang maging mas mabilis ang pagtatapon ng nilinis na tubig patungo sa Manila Bay.
Hindi na aniya sumasapat ang mga makina o sewage treatment plant na lumilinis ng maruming tubig bago ito itapon sa Manila Bay.






















