Muling nagpaalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mahalagang mandato ng Armed Forces of the Philippines sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng bansa.
Kanina, pinangunahan ng Commander-in-Chief ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong promote na generals at flag officers ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.






















