Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapanagot at maisauli ang mga ninakaw na pera ng bayan mula sa anomalya sa flood control projects.
Kaugnay nito, suportado ng Malakanyang ang posisyon ng Department of Justice na dapat munang magsauli ng nakaw na yaman ang mga sangkot sa anomalya bago maging state witness.