Hindi makaka-abswelto kay Vice President Sara Duterte ang pagsasauli sa gobyerno ng confidential expenses na nagkakahalaga ng mahigit P73-M, ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon.
Ito ay matapos maglabas ng pinal na desisyon ang Commission on Audit o COA sa disallowance nito sa Office of the Vice President dahil sa maling paggamit at iregularidad sa paggastos ng confidential funds noong December 2022.






















