Sisimulan na ng Kamara ang pagrepaso sa infrastructure projects ng pamahalaan kabilang na ang flood-control projects kasunod ng direktiba ni House Speaker Martin Romualdez na imbestigahan ang ghost projects, pag-abuso sa fund realignment, procurement at iba pa.
Ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, Chairperson ng House Committee on Public Accounts, target itong maisagawa ngayong buwan ng Agosto.