Nanawagan sa plenaryo ng Kamara si Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano, miyembro ng National Unity Party (NUP), na muling patawan ng suspensyon si Cavite 4th Dist. Representative Kiko Barzaga. May kinalaman pa rin ito sa mga posts ng suspendidong mambabatas sa social media.






















