Inihayag ni Department of Energy Secretary Sharon Garin na ang pagkasimot ng supply ng langis sa Pilipinas ang kanilang nakikitang worst-case scenario sa bansa sakaling umigting pa ang tensyon sa Middle East.
Ginawa ng kalihim ang pahayag sa gitna ng isinagawang pagdinig ng Senate Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Strategy Committee, kahapon, March 24.






















