Conspiracy theory lamang ang kumakalat na isyu na itinalaga si dating Philippine National Police Chief Nicolas Torre III bilang bagong MMDA general manager upang maalis siya bilang 4-star rank officer ng PNP.
Ayon kay Torre, ngayon na magsisimula siya sa aniya’y mas mabigat na responsibilidad kumpara sa pagiging PNP chief, isa sa kanyang tututukan ay ang pagpapaayos ng disiplina sa mga pasaway na enforcer at pagpapabilis ng response time at clearing operation sa mga insidente ng banggaan.






















