Ipinagbabawal na ang paghinto ng mga motorista at pagkuha ng selfie o litrato sa bahagi ng Kennon Road, kung saan itinuturing na crime site sa pagkasawi ni dating DPWH Usec. Catalina Cabral.
Naglagay ng signage ang pulisya para agad mapansin ng mga motorista ang pagbabawal.






















