Tinawag na "last act of friendship" ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang ginawa n'yang paghahatid kay dating Senador Bong Revilla Jr. sa Sandiganbayan. Depensa pa ng Kalihim, hindi rin ito matatawag na special treatment lalo pa't sa regular na kulungan lamang naman ikinulong ang dating senador.






















