Mayroon nang lead sa posibleng kinaroroonan ng dalawang overseas Filipino workers o OFW na nawawala sa Hong Kong ayon sa Department of Migrant Workers o DMW.
Ayon sa DMW, nakausap na nila ang pamilya ng dalawang OFW at ibinigay na ang mga impormasyon na maaaring makatulong sa paghahanap ng mga otoridad sa Hong Kong.