Naglayag ang ikaapat na civilian mission ng Atin Ito Coalition upang maghatid ng tulong sa mga Pilipino sa Pag-asa Island at magsagawa ng iba’t ibang aktibidad sa isla.
Layunin din ng grupo na makuha ang atensyon ng mga lider ng ASEAN bago ang nalalapit na summit upang igiit ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.






















