Titiyakin ng Office of the Ombudsman na magiging ligtas ang mga dokumentong isinumite sa kanila ng Independent Commission for Infrastructure oras na isailalim nila ang mga ito sa artificial intelligence system.
Pagtitiyak ng anti-graft body, sasailalim pa rin ang mga impormasyong ito sa beripikasyon ng aktuwal na mga imbestigador ng kanilang ahensya.






















