Naniniwala ang transport group na PISTON na mas magiging epektibo ang pamamahagi ng ayuda sa mga tsuper kung idadaan na lang ito sa mga asosasyon o pederasyon ng mga jeep.
Ayon sa national president ng grupo na si Mody Floranda, nasubukan na ito noon sa nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ginawang pamamahagi ng Pantawid Pasada Card.






















