Target simulan ng Kamara sa susunod na linggo ang pagdinig ng House justice panel kaugnay ng inihain na impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa mga opisyal ng kapulungan.
Hindi naman inaasahan ang personal na pagharap sa Kamara ng inirereklamong si Pangulong Marcos Jr. habang isinasagawa ang paunang pagtalakay sa reklamo.






















