Iminungkahi ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano sa unang araw ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte na kung maaari ay sumulat ang Senado sa Sandiganbayan upang hilingin na payagang makadalo at makasubaybay sa impeachment trial sina Senador Rodante Marcoleta at Senador Jinggoy Estrada, na kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng batas.






















