Sa gitna ng tumitinding usapin sa isyu ng korapsyon sa pamahalaan, isinusulong ng isang alyansa ang pagbuo ng Peoples Transition Council, na anila’y papalit sa kasalukuyang namumuno sa bansa.
Tiniyak naman ng grupong Artikulo Onse na hindi nito lalabagin ang nakasaad sa Saligang Batas.






















