Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng isang crisis committee upang tutukan ang posibleng epekto ng tensyon sa Middle East sa bansa.
Ayon sa Malacañang, wala pang krisis sa suplay ng langis sa ngayon, kahit nakararanas ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.






















