Nakatakdang talakayin ng mga senador sa caucus ang panukalang pagbibigay ng emergency powers sa pangulo kaugnay ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Kasunod ito ng pagsesertipika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent sa Senate Bill 1965, na naglalayong amyendahan ang Biofuels Act of 2006.






















