Hindi ititigil ng pamahalaan ang imbestigasyon sa mga sangkot sa anomalya sa flood control projects hanggang mapanagot ang mga ito at maibalik ang pera ng taumbayan.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa kaniyang pinakabagong pag-uulat sa estado ng mga hakbang ng pamahalaan para mapanagot ang mga iniuugnay sa anomalya.






















