Naging mapayapa sa kabuuan ang isinagawang Peaceful Rally for Transparency ng United People’s Initiative o UPI kagabi sa People Power Monument, bagama’t may ilang dumalo na nanawagan ng pagbaba sa puwesto ng Pangulo dahil sa umano’y kawalan nito ng kredibilidad.






















