Nagpahayag ng suporta ang Mayors for Good Governance sa Independent Commission for Infrastructure para sa mga gagawin nitong imbestigasyon sa maanomalyang proyekto ng gobyerno.
Kaugnay nito, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na isinasagawa na nila ang pagrereview sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways na ginawa sa loob ng sampung taon.