Hindi kasindak-sindak para sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte ng kanyang pagtakbo sa 2028 presidential elections.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, matagal na niyang naramdaman ang pangangampanya ng bise presidente sa labas ng bansa, kaya hindi na nakakagulat ang naging deklarasyon nito.






















