Hinihikayat ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero ang private sector na ikonsidera ang pag-adopt sa 4-day work week set-up upang makatipid sa konsumo ng langis at enerhiya.
Ginawa ni Senator Escudero ang pahayag kasunod ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagpapatupad ng 4-day work week arrangement sa mga ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng executive branch.






















