Nag-umpisa na kahapon ang unang araw ng confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
Kaugnay nito, kumpyansa ang mga kaanak ng mga umano'y biktima ng drug war na makukumpirma ang mga kaso laban sa dating pangulo, base sa naging opening statements ng bawat panig.






















