Totoo ang listahan ng P100-B na proyekto na naisingit sa 2025 national budget, ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Panfilo Lacson.
Nilinaw ng senador na walang kinalaman dito si PBBM, at napaniwala lamang ng ilang opisyal si dating Congressman Zaldy Co na ang Pangulo ang nag-utos ng budget insertions.
Ayon pa kay Lacson, totoo rin ang kickbacks mula sa naturang proyekto, ngunit hindi nakinabang si PBBM gaya ng paratang ni Co.






















