Nagmartsa papuntang Mendiola sa Maynila ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa kasabay ng paggunita ng Labor Day.
Iginigiit ng mga ito ang P1,200 minimum wage sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo. Sa kabila nito, nanatiling mapayapa ang kilos-protesta hanggang sa matapos, ayon sa mga awtoridad.






















