Nakahanda umano ang Office of the Vice President na tumugon sa pinal na desisyon ng Commission on Audit kaugnay ng P73-M confidential funds na ginastos ng OVP noong December 2022.
Sa inilabas na statement, sinabi ng OVP na inaasahan na nila ang naturang desisyon at nakahanda silang tumugon sa pamamagitan ng wastong proseso at institutional channels.






















