Handang tumulong ang Office of the Ombudsman sa House of Representatives sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ombudsman Crispin Remulla, nasa fact-finding stage na ang reklamong isinampa laban sa Pangalawang Pangulo.






















