Kinuwestyon ni Vice President Sara Duterte ang pangangailangan pa ng isang bagong komisyon para imbestigahan ang umano'y anomalya sa mga flood control projects sa bansa.
Naniniwala ang pangalawang pangulo na kaya ng Office of the President na magsagawa ng imbestigasyon at hindi na kailangan pang buoin ang Independent Commission for Infrastructure o ICI.






















