Muling nagpaalala ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputok lalo na kung may alagang hayop.
Ayon sa PAWS, hindi lang ingay ang epekto nito sa mga hayop kundi nag-iiwan din ng toxic waste na maaring magdulot ng long-term trauma at stress.






















