Pinaghahandaan ng mga taga-Albay ang posibilidad ng dobleng kalamidad na dulot ng inaasahang epekto ng Bagyong Ada at aktibidad ng Bulkang Mayon.
Kaya ngayon pa lang, inililikas na ng lokal na pamahalaan ng Guinobatan ang aabot sa 7,000 residente sa loob ng 7–8 kilometer extended danger zone ng Bulkang Mayon.























