Sinamantala ng campers sa Queensland, Australia ang King’s Birthday holiday ngayong araw, October 6, upang palipasin ang long weekend sa Moreton Island.
Subalit nanalasa sa isla noong Sabado ng umaga ang pinakamalaking bushfire sa loob ng 6 na taon at kinailangang ilikas ang 20 campers sa western side ng isla.