Malapit nang magsampa ng kaso ang Department of the Interior and Local Government laban sa mga opisyal ng Bureau of Fire Protection na sangkot sa umano’y katiwalian.
Aabot sa humigit-kumulang 40 kawani ang iniimbestigahan kaugnay ng iregularidad sa proseso ng biddings, na inaasahang hahantong sa pormal na pagsasampa ng mga reklamo.






















