Magsasagawa na ng motu proprio investigation ang National Police Commission kaugnay sa sinasabing mga pulis na tila nagnakaw sa bahay ng umano'y drug suspect sa Tondo, Manila, noong June 20, 2025.
Ang naturang mga pulis kasi ang itinuturo ring sangkot sa pag-aresto sa magkaibigang delivery rider na nagku-kwentuhan sa isang lugar sa Sampaloc, Manila, noong September 9, 2025.