Mas gusto ng nakararaming Pilipino na palakasin ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) upang maprotektahan ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase Group.






















