Pinuna ni Vice President Sara Duterte kung sumasalamin pa ba sa orihinal na mensahe ng 1986 EDSA People Power Revolution ang mga ginagawang paggunita sa kasalukuyan.
Ayon sa bise presidente, tila hindi na lubos na nauunawaan ng ilang nag-oorganisa at lumalahok sa mga kilos-protesta ang tunay na diwa ng makasaysayang pag-aaklas.






















