Nagpalabas ng travel advisory ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa gitna ng banta ng Bagyong Opong sa Metro Manila.
Base sa advisory na inilabas ng NAIA, bunsod ng inaasahang malalakas na pag-ulan bukas hanggang sa Sabado ng umaga, posible anila itong makaapekto sa schedule ng mga flight.