Tukoy na ng Philippine National Police ang mga suspek sa pagpaslang sa vlogger na si Mima Alicia sa Caloocan City noong July 17.
Ayon sa pulisya, nakilala ang mga suspek sa pamamagitan ng backtracking sa mga kuha ng CCTV camera, at lumabas din sa imbestigasyon na nakatanggap umano ng death threat ang biktima bago ang insidente.




















