Naniniwala si Vice President Sara Duterte na hindi na dapat pang patulan ng administrasyon ang mga taong naninira laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang tugon ni VP Sara nang matanong hinggil sa kanyang reaksyon sa ginawang pagpapakulong sa dating broadcaster na si Jay Sonza at vlogger na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz, na sinasabing nasa likod ng pagpapakalat ng fake medical bulletin ni PBBM.






















