Umaasa si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na may makukulong na sa Disyembre kaugnay ng mga personalidad na sangkot sa katiwalian sa mga flood control project sa bansa. Ayon kay Dizon, binibilisan na nila ang imbestigasyon upang matiyak na mapapanagot ang mga responsable sa malawakang pagnanakaw sa kaban ng bayan.






















