Dahil sa matinding pinsala at takot na maulit muli ang malakas na lindol, hindi pa rin bumabalik sa kanilang mga tahanan ang ilang residente sa coastal area ng Manay, Davao Oriental.
Mas pinipili nilang manatili sa evacuation center, kahit mahirap ang kalagayan, dahil sa pangamba sa posibleng aftershocks at pinsala.






















