Maaaring umabot sa P1,800 ang arawang maiuuwi ng mga pampasaherong jeep na lalahok sa service contracting program, ayon sa Department of Transportation.
Sa isinagawang hearing kahapon ng Senate Public Services Committee, sinabi ni DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor na tinatayang nasa 36,000 mga traditional jeepney drivers ang magbebenepisyo sa programang ito ng gobyerno na sisimulan bukas, April 15.






















