Naging maayos at mapayapa ang unang araw ng kilos protesta kahapon, ayon sa Philippine National Police, na walang naitalang anumang gulo at nagpapatuloy ang mahigpit na seguridad sa mga lugar ng pagtitipon.
Gayunman, nagbabala ang Department of the Interior and Local Government na iimbestigahan ang mga kalahok na nanawagan sa pagbaba sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.






















