Inatasan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang lahat ng ahensiya ng pamahalaang lungsod na maging alerto at handa bilang preparasyon sa Bagyong Opong.
Naka-standby na ring buksan, kung kinakailangan, ang higit dalawampung evacuation centers sa iba't ibang distrito ng Maynila.