Nagbabala ang Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc. (PPMDAI) sa publiko na huwag bumili ng paputok sa Bocaue, Bulacan kung walang tamang license permit ang nagbebenta.
Hinimok ang mga mamimili na iwasan ang tindang galing sa hindi lisensyadong dealer upang maiwasan ang disgrasya, lalo ngayong dumarami ang ilegal na paputok tuwing holiday season.






















