Ayon sa Malacañang, lahat ng sangkot sa anomalya sa flood control projects ay mananagot kahit pa kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ikinalungkot ni PBBM ang pagkakasangkot ni dating Senator Bong Revilla na kilalang kaalyado ng administrasyon.





















