Inatasan ni DPWH Secretary Vince Dizon ang NBI at ilang private organizations na magsagawa ng malalim na background check sa mga bagong talagang opisyal ng ahensya upang matiyak ang transparency at integridad sa hanay ng pamunuan ng kagawaran.
Ayon kay Sec. Dizon, ito ay tugon sa direktiba ni PBBM na linisin at isaayos ang DPWH sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon.






















