Napapansin na ng Malacañang ang mga hindi tugmang mga salaysay ni Zaldy Co mula sa kaniyang mga inilalabas na recorded video sa social media, lalo na ang ukol sa umano’y pagkakasangkot ng administrasyon sa anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi lamang naman ang Malacañang ang nakakapuna ng inconsistencies sa mga pahayag ng dating mambabatas kundi ang iba ring eksperto.






















